Lunes, Disyembre 2, 2013

Pwedeng Maging Mayaman at Masaya!

Madaming nagsasabi ayaw kong yumaman, meron namang nagsasabi kapag yumaman eh sumasama ang ugali, yung iba naman ang isinasabi ay hindi kailangang maging mayaman kasi hindi nakakapasok sa langit saka hindi natin yun madadala.

Pero kapag tinanung mo, gusto nila eh tama na yung nagagawa ko yung gusto ko, walang utang, lahat nagagawa ko at nabibili ko ang gusto ko. Eh di ba ang gumagawa nun eh Mayaman.

Ang pinakaimportante naman sa atin ay maging mayaman at masaya. Nais kong ibahagi sa inyo ang isang article mula sa aking idolo na si Bro. Bo Sanchez. At ako mismo nais kong maging mayaman at Masaya at makapagpasaya sa aking kapwa.

Sabi sa Deuteronomio 8:18 " Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay sa inyo ng lakas upang Yumaman." Kita ninyo sa bibliya mismo kaya pala tayo binigyan ng lakas ng ating Diyos ay upang maging mayaman.

May dalawang nag uusap.
"Mas gusto ko nang maging mahirap at masaya" Nagkakape ang dalawang magkaibigan at sinabi ng isang lalaki ang salitang yun. Tanong ng isang lalaki sa kaibigan niya, "Bakit mo naman nasabi yan?" Paliwanag ng lalaking nagsalita. "Eh kasi yung Tito ko, Isa siyang Mega Millionaire, Apat pa ang asawa niya. Pero pinag-aawayan ng mga anak ang property niya. Ang kanilang family reunion ay sa korte nila ginaganap. Hindi na sila nag uusap. Mas gusto ko nang maging mahirap at masaya kaysa naman maging mayaman at miserable"

"Talaga" sabi ng lalaki. "Ayoko ring maging katulad ng Tito mo. Pero posble bang maging mayaman at masaya?

Nagkibit balikat ang lalaki at sinabi niyang, "Ewan. Siguro."

Doon nagsimulang magkwento si Bo Sanchez, 30years na syang naglilingkod sa Diyos. Sobrang Masaya ang kaniyang pamilya. At, ngayon, isa na syang Milyonaryo.

Ang mga tao ay nagtanong kay Bo Sanchez. "Mayroon pa bang pwedeng maging katulad mo? O abnormal ka lang?

Sabi ni BO Sanchez. "Kahit na sino ay pwedeng maging Masayang Milyonaryo. Pero kailangan piliin ito."

CHOOSE HAPPY WEALTH NOW!

Sabi no Bo Sanchez, Matagal ko nang paniwala na happiness is a Choice. Ikaw ang magpapasya kung gusto mong maging masaya o hindi.

Hindi nakasalalay ang kaligayahn mo sa kalagayan mo. Because happiness is an inner decision.  Di magtatagal, maapektuhan ng pagpapasiya mo ang kalagayan mo.Naniniwala rin ako na Wealth is a Choice. Kung pipiliin mong maging Masayang Milyonaryo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento