Linggo, Disyembre 22, 2013

Protection mo at Retirement mo.

Protection mo at Retirement mo.
Habang namamasyal kami sa mall ng aking asawa at anak, nakasalubong ko ang isa kong kasamahan sa organization, maganda ang bati nya sa akin, pomopogi daw ako lalo, hehehe, matagal ko ng alam na pogi ako, sabi ng mommy ko at lalo ng asawa at anak ko,hehehe, syempre nagkumustahan, alam niyang nasa Philam Life ako, isa din syang policy holder ng ng life insurance.
Isinabi niya na habambuhay daw syang nagbabayad ng kanyang policy, hindi daw nya naintindihan ang policy na kinuha nya noon. Ipinaliwanag ko muna sa kanya ng mabilis angklase ng mga insurance plan. Naintidihan naman agad niya.
Kaya lang dahil nga hindi niya naiintindihan ang policy niya, ay matagal na hindi niya binayaran. Ganito ang nangyari, Ang insurance coverage niya ay Php 100,000, mahigit sa 5taon syang hindi nakabayad, at dahil ang insurance policy ay may tinatawag na cash value, ang kanyang policy ay nag automatic premium loan, ibig sabihin yung cash value ay nagiging pambayad sa kanyang policy, kaya hanggang ngayon anuman ang mangyari sa kanya ay may insurance protection pa din sya.
Ano daw ang gagawin niya, kasi halos mateterminate na ang kanyang insurance policy kasi tuloy ang interest sa premium loan ng kanyang policy. Kung kukuwentahin ang insurance coverage at ang kanyang premium loan ay halos equal na. Sabi daw ng kanyang anak, “Papa, hindi mo na naman kailangan yan insurance mo, ako na ang bahala sa iyo anuman ang mangyari, maliit na halaga lang naman yan.” Totoo nga naman maliit ngang halaga ang Php 100,000 ngayon para sabihing may insurance na tayo. Kaya ang final decision niya ay isurrender ang policy nya, kahit daw magkano ang matira basta may makuha sya, kasi unang una retired na sya, wala pa syang pambayad.
Sa unang tingin syanga naman, pero kung iisipin natin, kailangan pa din natin ang insurance, kahit maliit na halaga at sa kahulihang hininga natin alam natin meron pa din tayong maiibigay para sa ating pamilya, sabi nga natin good provider tayo di ba.
Ano ang kinalaman ng kwentong ito para sa sinasabi kong Protection mo at Retirement mo?
Sige, game na, ganito yun, balikan natin yung panahon na kumuha ng insurance nung kabataan pa niya.
Sigurado ito ang tanong sa kanya, Kung may mangyari sa iyo ngayon paano ang iyong pamilya? ang sagot niya, gusto ko ng isang guaranteed cash fund para anuman ang mangyari sa akin merong cash para sa pamilya ko. Kung babalikan natin 30years ago ang Php 100,000 na insurance coverage niyang kinuha noon ay katumbas ng Php 1 Million ngayon.
At tuloy-tuloy syang nagbabayad noon at wala syang iniisip kundi para sa pamilya niya yun iniipon niya. Napakaganda ng ginagawa niya dahil good provider sya, napalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak na ngayon ay mga professional na.
Naisip ko tuloy, paano yung mga Young Professional ngayon, lahat ng kausapin ko, ang gusto nila ay maging isang good provider yung iba nga hindi lang goo kundi great provider pa.
Ito ang naiisip ko ngayon, halimbawa 35 years old ka ngayon, sabihin natin ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo. Sakaling may mangyari sa iyo, naisip mo ba ang maaring mangyari sa pamilya mo? Masamang tanong, pero yun ang katotohanan. Naitanong mo siguro, paano ba ang tamang paraan ng pagkuha ng insurance plan. Ito lang po ang simpleng paraan, kung kumikita ka ng Php 500,000 isang taon, kailangan meron kang 10x ng iyong kita sa isang taon. Ibig sabihin kung Php 500,000 isang taon ang kinikita mo, ang 10x nun ay Php 5 million, ibig sabihin yung Php 5 million ay yun ang katumbas ng halaga at guaranteed cash fund na ilalaan mo para sa iyong pamilya sakaling may mangyari sa iyo para sa sila ay makarekober kaagad.
Ang sasabihin mo, sige kailangan ko nga nyan, lalo maliit pa ang aking anak, gusto ko siguradong meron akong guaranteed cash fund para sa aking pamilya. Eh paano kung walang mangyari sa akin, napatapos ko na ang aking mga anak, naging professional na din sila at naibigay ko na lahat ng pangarap ko para sa kanila, paano naman kung magretire na ako? Tuloy pa din ba ang paghuhulog ko, ano ang pwede kong gawin, mas kailangan ko na siguro ng pera kasi retired na ako, ayaw ko naman na umaasa sa mga anak ko, kahit alam kong tutulungan nila ako, mas mabuti na ang meron akong naihanda para sa akin. Gusto ko planuhin lahat yun, ngayon pa lang. Ang bugdget ko ay Php 50,000 taon-taon at plano kong magretire sa age 60.
Magandang tanong. Kaya ito ang ginawa ko sa kanyang solution:
Solution 1. Term Insurance + Mutual Funds. Kukuha ka ng term insurance na worth Php 5 Million, ang premium nito ay nagkakahalaga ng 15,000 taon-taon maari pa itong tumaas, dahil term protection ito ang ibinabayad mo ay hindi mo makukuha. Ang mutual fund naman ang investment plan mo para kung dumating ang panahon na  magretire ka, yun ay makukuha mo dahil long term, maaring kumita taon-taon ang investment mo ng average 8% -  10% yearly. Php 35,000 taon-taon ang inilalagay mo sa mutual funds hanggang sa age 60 mo at kikita ng average 8% yearly maaring maging Php 2.7 million.
Magandang solution ito. Kaya lang dalawang policy ito na aasikasuhin mo. Ito nga lang ang isang reason may napapabayaan ka na policy. Tingnan natin ang isang solution na ito.
Solution 2. Ang bagong plan na ito ng Philam Life ang pangalan ay Family Secure, sa age 35 ang Php 5 million life insurance coverage ang annual investment mo ay Php 61,000plus, ang advantage nito ay all-in one na, dahil habang nagiinvest ka para sa retirement fund mo, may insurance protection ka pa na guaranteed cash fund para sa family mo. Combination na ito ng insurance at mutual funds, wala ka ng iintindihin pa, isang bayaran taon-taon, pero dalawang funds ang nasasagot sa pangangilangan mo. Tamang-tama ito sa mga Young Professional na gusto agad ay tapos ang transaction.
Siguro may idea ka na kung ano ba ang nararapat para sa iyo. Kaya Anong plano mo? Usap tayo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento