Martes, Disyembre 10, 2013

ANONG HAYOP KA?

Anong Hayop Ka? 

Ano kayang iisipin mo, kung tanungin ko ikaw kung anong klaseng hayop ka? Halimbawa Pagong ka ba or Kuneho? Ano nga bang klaseng tanong ito..baka sapakin mo ako kung ganito ang tanong ko di ba?

Sige na nga ipapaliwanag ko sa iyo..

Mag imagine muna tayo, (opps seryosong imagine ha)..hehe. .Isipin natin na nagpunta tayo sa gubat. At sa paglalakad natin may nakita tayong kuneho at pagong. Naalala nyo ba yung kanta nung bata pa tayo, paborito ko yun kantahin kapag tinatawag ako sa isang party at pinapakanta, ito ang kinakanata ko.

"Ang pagong ko, mabagal tumakbo, naunahan ng Kuneho
Ang kuneho, natutulog, Naunahan ng Pagong Ko."

Naalala nyo na ba? Kung iisipin mo, di ba kahit anong bilis ng Kuneho, naunahan pa din sya ng Pagong, pagong ko pala yun,hehehe..Ang tanong bakit nga ba nangyari iyon? Isang paborito kong author na si Bo Sanchez ang gumawa ng isang aklat na ang Title ay The Turtle is Always Win. 

Kung iisipin natin, di ba pareho naman silang tumatakbo. Pero ano nga ba ang kanilang pinag kaiba. Ang malaking DAHILAN ang pinagkaiba nila kung bakit sila tumatakbo. 

Yung Kuneho tumatakbo sya para kapag nanalo sya may pang meryenda sya.
Yung Pagong tumatakbo sya para sa Buhay niya. Kasi habang tumatakbo sya ang iniisip nya ay yung Bahay Niya,Yung asawa at anak niya, yung gusto niyang mangyari para sa kanyang pamilya.

Bakit ko ba ito ikinukwento sa yo?

Marami ang nagtatanong sa akin, Magiging succesful ba talaga ako sa pagnenegosyo? Ano ba ang usong negosyo ngayon, ang hirapa naman yata magnegosyo? Kasunod na tanong nila ay Kikita ba talaga ako? Papansinin pa nila ako ang negosyo ko at itatanong, di ba nasa insurance ka, kung maging katulad mo ba ako eh Kikita din ba ako? Tapos sabay iimikin, ang gusto ko eh computer shop kasi nakita ko malakas yung ganung business, kung ganung business ba ang gawin ko, Kikita din ba ako? May nang aakit sa akin na networking business, yung nagpapasali sa akin, kumita din sya, kung magjoin ba ako sa kanya, kikita din ba ako? Daming tanong anu..hehehe

Ito ang sagot ko sa kanila,  Kung ang isang negosyo na naiisip mong gawin ay para lang magkaroon ka ng pangmeryenda or may pambili ka ng mga gadgets na uso ngayon, katulad ng Kuneho, Pwedeng Hindi ka kumita.

Pero kung ang isang Business na naisip mong gawin ay para sa taong mahal mo,, para maiprovide mo ang lahat ng pangangilangan o gusto nila at maimprove ang katatayuan nila sa buhay, at para din maabot mo ang pangarap mo sa Buhay..malaking "OO magiging succesful ka at kikita ka sa business na gagawin mo"..

Naisip mo na ba kung bakit naitanong ko Kung anong klaseng hayop ka ba?

Kuneho ka ba? or Katulad ka ng Pagong ko?

Ang tanging nakakaalam ng sagot ay ikaw. Ang tanging maiitulong ko ay magbukas ng Business Opportunity at tutulungan kita kung paano magplano. Dahil ang pangarap para magkatotoo, kailangan laging may plano. May plano ka na bang business? Usap tayo.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento