Magbibigay? Eh kinakapos na nga ako, tapos nag aaral ako kung paano ako makakatipd, at ang sabi kailangan natin mag ipon. Ano ba ang kinalaman ng Pagbibigay para sa aking nais na Pagyaman.
Sabi ng paborito kong author, "Giving back to God and Honoring Him is a hard thing to do if you haven't heard about or don't believe in God's promises in the Bible."
Itinuro niya ang kahalagan ng tithing at giving. Itinuro niya ang Tithing is a vlountary giving of 10% of your income to the Lord through church that you attend or blessed by. Pero as your heart of giving grows, you will learn that tithing or giving back to God is not limited to 10% only (more on that later).
Nalaman ko that giving to the Lord pala is a matter of faith. Parang God wants to see if believe in Him and His promises. Sabi niya "Sige, subukan ninyo Ako! (Malachi 3:10)". Dito ko nalaman na dito pala nagbigay ng excemption si Lord. Sabi niya sa Malachi 3:10 "Bring to the storehouse a full tenth of what you earn so there will be food in my house. Test me in this, says the Lord All Powerful. I will open the windows of heaven for you and pour out all the blessings you need."
SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW
Noon akala ko ang salitang ito ay salitang isinasabi lang ng mga matatanda. Pero nagulat ako ng malaman ko na ito pala ay nasa Bible. Sabi dun sa Luke 6:38 "Magbigay kayo at kayo'y bibigyan. Hustong takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginamit sa iba ay sya ring panukat na gagamitin sa inyo."
Kaya nga ng malaman ko iyon pati yung nasa Malachi 3:10 at naniwala ako sa promise ni Lord, ginawa ko ang isang bagay na kailangan pala nating gawin, sa amin sa Couples For Christ eh merong Voluntary Monthly Contribution kaya nagagawa ko na din magbigay ng para kay Lord, at syempre sa ibang mga ministry na aking napapanood at mga foundation ay nagagawa kong ibigay ang dapat ay sa ating Panginoon. Alam nyo ba, doon ko nadama ang biyaya ng ating Panginoon, at doon ko napatunayan ang isinabi ni Lord sa bible sa Luke 6:38.
Madami akong narinig na testimony tungkol sa pagbibigay kay Lord at pagtupad ni Lord ng kanyang mga promises. Kaya ako mismo ay talagang nagsasabi at masayang nagshare kung gaano kahalaga at kung paano ibinuhos ni Lord ang blessings ng dahil sa tithing at giving.
Ito din ang isang nalaman ko, Baka naman kaya nagbibigay tayo kay Lord ay dahil you are expecting a reward or want a bigger return on your investment. Kung dumating daw ang ganitong pagkakataon na talagang ugali mo na ang magbigay hayaan mo na lang at wag ka ng umasa ng kapalit pa. Sa bibliya ito ang isinabi (2 Corinto 9:6-7) "Tandaan nyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami. Sa gayo'y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin."
When you start tithing and giving ay malalaman mo pala ang joy of giving. Magiging madali na magbigay sa mga may nangangailangan ng tulong pinansyal. Magiging madali sa iyong tumulong sa iyong mga kamag anakan na nangangailangan ng tulong, sa mga mahihirap, tulad ngayon madami ang nangangailangan ng tulong dahil sa kalamidad na nangyari sa buong kabisayaan, sa mga simbahan, sa mga foundation at charities na humihingi ng tulong. Giving is also a sign that God's love is in YOU. Wow, kapag nagbigay tayo, ibig sabihin ang pagmamahal ni Lord ay nasa atin, ibig sabihin patuloy tayong bibiyaan ng Blessings ni Lord upang gamitin tayong instrumento ni Lord at madami tayong mabigyan.
Give to the Lord, give and help the poor. Giving opens your heart. When you give, your heart will become a generous heart. May magandang promise si Lord sa atin, (Proverbs 11:25) " A generous man will prosper; he who refreshes others will himself be refreshed." Kaya kung gusto mong marefresh, Be generous!
At bago ang lahat, Huwag nating kalimutang magbigay. Gumawa ka ng isang "storehouse" to receive God's blessings. Kaya set up that savings account now to receive the blessings that are to come.
Nabless po ako ng sobra, sa testimony ninyo! 😊 God bless you more po❤
TumugonBurahin