Lunes, Disyembre 2, 2013

EMOTIONAL WHY

EMOTIONAL WHY
Isa ito sa article ng paborito kong author si Bo Sanchez. Sinabi ni Bo Sanchez, “Bakit nga ba hindi naabot ng iba ang kanilang pangarap? Ang sagot ni Bo Sanchez ditto ay “Dahil hindi pa nila nahahanap ang “EMOTIONAL WHY” nila.
Ito ang kanyang paliwanag. Ito ang kanyang kwento.
Isang araw,kausap niya ang kanyang kaibigan si Ricky, isang smoker. Sabi niya, “Alam mo Bo, sinubukan ko nang tumigil sa paninigarilyo, pero it doesn’t work. Maraming beses ko nang sinubukan, pero hindi ko talaga magawa. Di ko yata kayang tumigil.”
Sa aking personal na karanasan (si Aye na po ako) , katulad din ako ni Ricky, noon yun, naninigarilyo din, sinabi ko na din sa sarili na mahirap ngang tanggalin ang bisyo ng paninigarilyo.
Pero nung mabasa koi tong kwento ni Bo at sinabi niya kay Ricky, “Mayroon ka bang anak. Mayroon sabi ni Ricky, si Suzie, ang kanyang 3 year old daughter. Sinabi ni Bo sa kanyan, “Isipin mo itong mabuti ha. Kung may tututok ng .45 caliber pistol sa noo ni Suzie at sasabihin iyo na kapag hindi ka tumigil manigarilyo, ipuputok niya ang baril. Tinanong ulit sya ni Bo, “Titigil ka ba sa paninigarilyo?”
Syempre, sa ganung sitwasyon ng marinig ni Ricky ay napalunok sya at sinabi “ Oo naman syempre!”
Kaya kung sa Kaya
Kaya naman pala niyang huminto.  May kapangyarihan kang gawin ang kahit anong goal na gusto mo. Kaso lang, hindi mo natutupad iyon dahil wala ka pang nakikitang dahilan para baguhin ang sitwasyon mo.
Sinabi ng isang magaling na founder ng MLM ang Leader ng Amway na si Dexter Yager, “Kailangan mo ng matinding EMOTIONAL WHY para maging mayaman – or it won’t happen.”
Ganun ang ginawa ko, gusto kong baguhin ang buhay ko, hindi yung tulad ng dati kong paniniwala na Bahala Na, kung may dumating ok lang kung wala eh maghintay ulit. Naging Bara-bara ako sa salitang kalye. Naisip ko, wala pala ako pupuntan talaga,dahil hindi ko alam ang malalim na dahilan, samantalang napakaraming dahilan or Emotional Why para maging Mayaman ako. Nariyan ang asawa at anak ko. Ayaw ko kayang sa tuwing makakakita sila ng gusto eh titingnan lang namin at hahawakan, ayaw ko yatang kapag may nagustuhan silang kainin eh iiwas kami dun at sa lugar na kaya naming kainan dahil kasya lang ang pera at ang masama asawa ko pa ang magpapakain. Totoo nangyari yun, dati yun pero naiba na ako, dahil malalim ang aking dahilan, gusto kong maging magaling na provider sa asawa at anak ko. At alam ko nangyayari nay un, dahil malalim ang kagustuhan ko. Sabi nga ni Bo, Sa puso dapat manggaling ang dahilan, hindi basta galing sa isipan. Kung gusto mong yumaman, Kailangan alamin mo kung ano ba ang iyong “EMOTIONAL WHY.”
Nalaman ko din na ang isang tawag sa “EMOTIONAL WHY” ay “DESIRE” sa tagalog ay “PAGNANAIS.”
Mahalaga ang pagnanais kung gusto mong yumaman. May pagnanais k aba? Ano ba talaga ang gusto mo? Ano ang pinakamatinding ninanais mo? Sa latin word ang desire pala ay de sidere, which literally means “FROM THE STARS”. Sabi ni Bo, naniniwala ako na ang deepest desires natin ay “mula sa mga bituin.” Itinanim sila roon ng Diyos. When you touch base with your deepest desires, matatagpuan mo roon ang kalooban ng Diyos. PAANO? Kilalanin mong mabuti ang sarili mo. What do you really want?
Sa aking personal na dahilan kung bakit gusto kong yumaman tulad ng mga isinasabi ni Bo Sanchez.
Una, Gusto kong maiprovide ang pangangailangan ng aking Group, sa Philam Life, sa Couples For Christ at iba ko pang organization.
Gusto ko kasing makatulong, pero hindi ko magawa, sa Philam Life kapag lumapit ang aking isa sa mga insurance representative, sasabihin nila nagkaproblem sila sa kailangan nila sa pamilya, hindi agad ako makapagbigay, kaya iyon affected ang negosyo, sa Couples For Christ, may lalapit sa akin na dahil may sakit ang anak nila, tapos ang sasabihin ko okay sige ipagpray ko ang anak mo, Totoo naman mababago ang pakiramdam nila kapag naipagdasal, pero may problema pa din, kailangan nila ng pambili ng gamot dahil nasa ospital at kulang ang pambayad nila, wala tuloy akong maibigay.
Ang maliit na pangangailangan nila ay hindi ko man lang agad maibigay. Nakakafrustrate di ba. Kaya ngayon angangarap ako na magkaroon ng maraming pera at yumaman para gawin akong isntrumento ni Lord para matulungan ko sila.
Sabihin nyo naman ang sama ko naman puro pera na lang. Ito kasi ang nalaman ko, ang pera ay hindi masama at hindi rin mabuti, iyon ay nasa humahawak, kung ang purpose natin kaya gusto natin Yumaman ay para sa personal na kagustuhan at makapagyabang at gamitin sa hindi maayos, masama talaga yun, Pero kung ang purpose mo ay Upang Maging instrument ka ni Lord upang makatulong ka sa iyong kapwa, Maganda yun, at kapag ginawa natin yun, sa bibliya isinabi, “magbigay kayo at kayo ay bibigyan siksik, liglig at umaapaw pa.” Paano na lang kung magkaroon ng disaster tulad ng bagyo at lindol at giyera, ang lahat ay nagbibigay samantalang ako kahit konting bagay ay hindi, kaya kailangan may pera tayo para makatulong sa ibang nangangailangan.
At bilang isang naghahangad ng maganda para sa kapwa, nakita ko din ang salitang ito sa bibliya, “Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa”.(1 Timoteo 6:18). At nung malaman ko yun, naniwala ako nay un ang purpose ko para Yumaman.
At least sa ngayon, hindi man malimit ang pangarap kong iyon ay unti-unti ng natutupad.
Pangalawa, Gusto kong makapagprovide or maging Great Provider para sa aking Pamilya.
Ang pamilya ko ang isa napakalaking valid na “EMOTIONAL WHY” ko. Nabasa ko sa bibliya, “ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang hindi nanampalataya.” (1 Timoteo 5:8).
Naisip koi yon, kung single ako, okay lang, kung kumain ako o hindi, okay na sa akin ang makakain ng tatlong beses maghapon, hindi naman ako masyadong mahilig magmeryenda. Nung nasa adjustment period ako ng pagiging isang asawa at ama, maaring hindi ko pa pati lubusang nakikilala si Lord, para pa din akong binate, at napapabayaan ko ang aking pamilya. Ngunit noong dumating ang panahon na niliglig ako ni Lord upang magising sa katotohanan, kailangan kong harapin ang buhay ng isang asawa at ama ng aking pamilya. Hindi ko matitiis na nagugutom ang asawa at anak ko, dahil wala kong pambili, okay lang sa akin hindi ako kumain, pero sila hindi pwede, dahil ang asawa at anak ko gusto ng meryenda at sa gabi may midnight snack pa. At nakita ko ang malalim na reason kaya kami nag aaway ng asawa ko ay dahil kinukulang kami sap era. Totoo yun. At lalong lumalalim ang pag aaway kung wala nan gang pera eh gagawa ka pa ng hindi magugustuhan ng asawa at anak mo. Kaya nung magising ako, Ginsuto ko ng sapat na pera, para makapag aral ang aking anak sa maayos na school. Ginusto ko din ng sapat na pera dahil para naman paminsan minsan ay makapamsyal kami sa lugar na gusto namin. Syempre, ginusto ko din ng sapat na pera para naman may emergency fund kami sakaling may hindi inaasahang mangyari, tulad nung magkasakit, kung walang pera eh di wala kaming pampagamot at pambili ng gamot, at kung wala akong pera, nung pasukin ng magnanakawa ang bahay namin hindi ko maiipagawa yung extension ng bahay, na buti na lang mabait si Lord kahit naging suwail ako eh hindi pinapasok ng magnanakaw ang bahay namin,at ngayon hindi na kami nagpapanic dahil sa blessing na ibinibigay ni Lord.
Pangatlo, Gusto ko naman magkaroon ng konting kasiyahan.
Mahilig akong magbasa at habang nagbabasa ay kakain. Mahilig din kami ng aking asawa at anak na mamasyal saan man namin gustong pumunta.
Sabihin nyo naman, masyado naman magastos ito, mali po ang iniisip mo, nagtatabi po ako, sinusunod ko ang Formula na INCOME less Tithings for the Lord & SAVINGS equals Expenses.
Sa bibliya po isinabi, “Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng niloob ng Diyos na yumaman: tanggapin ang kanilang bahagi at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.” (Mangangaral 5:19). Tingnan nyo, ang Diyos mismo ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong maenjoy ang yaman na ating pinagpaguran.

Dati ang problema ko, bago ako maglabas ng pera ay pupunta ako sa kubeta at titingnan ko muna ang wallet ko at bibilangin ang pera kung kasya ba. Pero ngayon ay Hindi na. Ako mismo ay taas noong nagsasabi magkano ba yan, saan nyo gusting mamasyal. Aba syempre, Enjoy-enjoy din pag may time!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento