Don’t put your Retirement Fund in Bank
Noon ang pamasahe lang sa jeep
ay 25 centavos lang. Samantalang ngayon ang pamasahe na ay eigth pesos (P8.00)
na. Bakit nga ba? Ito ang tinatawag na
Inflation. Habang tumatagal yung pera natin eh bumababa ang halaga. Magkano nga
ba ang ibinababa? Sa ngayon nasa 5-7% na isang taon. Kung magsave ka sa bank, anu
nga ba ang katotohanan? Pag lumapit ka sa bank at nagsimula kang magsave ang
pinakamataas na posibleng ibigay sa iyo ay 2.5% per year kung Savings Account
at 4-5% per year kung Time Deposit, hindi pa kasama dun ang 20% withholding
tax, syempre yung interest rate na ibinigay sa iyo mas mababa pa. Kung kaya
yung halaga ng pera mo ay maaring mas humina pa. Ano na ang gagawin mo?
Ang pinakamaganda mong gawin
ay alamin mo ang pagkakaiba ng iyong Emergency Fund sa iyong Retirement Fund.
Kung para sa emergency fund, ilagay mo ang pera mo sa bank at dun ka maglagay
ng mabilis mong kunin at nakapag ipon ka ng at least 3 to six months para sa
emergency fund mo. Dahil yun ang iyong pinakambilis na makuha agad.
Pero paalala ulit, huwag na
huwag mong ilalagay ang pera mo sa bank para sa iyong Retirement Fund. Bakit
nga ba?
Meron kasing tatlong klaseng
tao dito sa mundo. (1) Spender, (2) Saver, at (3) Investor. Syempre sa
isang malungkot na kwento nila, isa lang sa kanila ang maaring manalo sa laro
ng buhay. Alin k aba sa kanila?
Ito po ang kwento nila: Maay
tatlong magkakasama sa trabaho, mga salesman sila, matatalino, magagaling at
malaking kumita sa kanilang trabaho. Si Piolo sya ang spender, Si Henry sya ang
Saver at si Rex sya ang Investor. Lahat sila ay nagkaroon ng Commission na
tig-isang daan libo (Php 100,000) nung bago pa lang sila sa kanilang
trabaho. Ginamit nila ang perang
nakomisyon nila sa magkakaibang paraan.
1. Spender (Piolo)
Pagkakuha
nya ng kanyang commission, agad niyang pinapalitan ang pera niya at dumiretso
agad sa isang sosyal na restaurant at inakit ang mga kabarkada para
magcelebrate ng kanyang nakuhang swerte. Pagkatapos ay bumili agad sya ng mga
bagong damit, bagong gadgets (iPad, Cellphone etc.),bagong sapatos at naisipan
magleave para magbakasyon muna sa Boracay. Sa loob ng tatlong araw ang lahat ng
kanyang nakomisyon ay naubos na lang. Nasiyahan naman sya, pero naubos naman ang
kanyang Php 100,000 sa isang kisap mata lang. Ganun ang ginawa nya habambuhay,
may kinita, bili ng kung anu-ano,kaya nung hindi na sya makapagtrabaho, wla sya
kahit anong savings na maipakita, at madami pa syang utang. Sigurado hindi ka
naman tulad ni Spender di ba.
2. Saver (Henry)
Si
Henry naman ang ginawa ay dumereto agad sya sa Bank at doon nilapitan niya ang
kanyang kaibigang bank teller,at sinabi nya na gusto niyang itabi ang kanyang
pera sa mahabang panahon,saka na lang niya yun kukunin. Ang tanong niya sa
teller, “Magkano ang interest na ibibigay mo sa akin”. Agad na tinawag ni
teller si Bank Manager at sinabi ni Manager na “Ok ilagay mo ito sa aming Time
Deposit at bibigyan kita ng 5% interest per year,pinakamalaki na ito sa lahat
ng interest. Nagkasundo sila sa interest kayat nagpira na agad si Henry ng
deposit slip at kaagad na idineposito niya sa Bank ang kanyang Php 100,000.
Makalipas ang 35 taon. Edad 65 na si Henry. Maaga siyang nagretire sa edad na
60. Ngunit napansin niyang kulang na ang kanyang nakuhang retirement dahil sa
loob ng limang taon ay unti-unti ng nauubos ang pera niya, kung kaya’t naalala
niyang meron nga pala siyang Php 100,000 na nakadeposito sa Bank. Kaya’t pumunta siya sa Ban at sinabi niya sa
bank teller na gusto na niya kunin ang lahat ng kanyang pera dahil kailangan na
niya yun, tulad ng kanilang napag usapan. Kaagad niyang itinanong kung magkano
na ba ang pera niya sa ngayon? Teka lang sandli Sir, tiningnan sa computer kung
magkano na ba ang pera niya, sa loob po ng mahabang taon, meron ka na ngayon
ditong Php 400,000. Nagulat bigla si Henry, “Ano sa mahabang panahon na nasa 35
taon kong iniwan sa inyo ang pera ko, ang halaga lang ngayon ay Php 400,000,
hindi ka ba nagkakamali ng tingin or computation sa pera ko? Kaagad nasumagot
ang teller at sinabi niyang hinding-hindi sya nagkakamali, tama ang computation
nila sa kinita ng pera niya. Sabi nga ang, SAVER are good, honest people and
discipline, But Savers still don’t WIN in the Money game.
3. INVESTOR (Rex)
Si
Rex naman ay hindi dumeretso sa pinuntahan ng mga nauna sa kanya, hindi sya
nagging magastos, at hindi rin sya nagpunta sa Bank. Ang pinuntahan niya ay
kung saan ang bank naglalagay ng Pera, sa madaling salita, nilampasan niya ang
Bank. Mas nagging matalino siya, dahil natuklasanniyang ang mga Bank ay
naglalagay ng kanilang investment sa mas kumikitang investment vehicle na tulad
ng stocks, mutual funds, bond at equity funds.
Nagpunta sya sa isang malaking Mutual Fund Company. Kaya nilapitan niya
ang babaeng nakita niya sa opisina ng Mutual Fund, at sinabing gusto niyang
malaman at kung paano mag invest sa mutual fund, na kailanman ay hindi pa niya
ginagawa. Sabin g babae, hindi kami katulad ng Bank na nagbibigay ng
garantisadong interest, dahil ang kita ng mga investment ay base sa performance
na nangyayari sa investment market. Sumagot agad si Rex, “Hindi ba yun
nakakatakot kung maglagay ako ng pera sa inyo.” “Syempre kung maglalagay ka at
pagkatapos ay kukunin mo din agad, talagang matatakot ka.” Pero kung ilalagay
mo ito sa mahabang panahon , hindi ka dapat matakot, kasi sa ngayon ang
ibibnibigay naming percentage growth sa mga tulad mong investor ay nasa 10% -
15% per year. “Syempre ang plano ko ay
mag invest ng mahabang panahon,kaya lang wala naman kasi akong million amount
para maglagay diyan, d ko yata kaya.” Napatawa tuloy ang babae, Sir pwede ka
magsimula dito ng piakamababa sa Php 5,000 lang na investment. Nagulat ulit si Rex. “Ano, ganun lang pla, eh
di lahat pala pwedeng mag invest.”
Ang
mutual fund talaga ay pinakamagandang pinagkakakitaan. Sabi nga eh ito ang
sikreto upang yumaman at pwede na din para sa mahihirap. Sa Bank kasi iba-iba ang tingin sa kanilang
depositor. Kung sa Bank ay may naglagay ng Php 5,000,000 ang ibibigay ni bank
manager ay mataas na interest. Kesa sa mga naglagay ng mas mababa sa limang
milyon. Sa Mutual funds, walang mataas or mababa , kung Php 5,000 lang nag
inilagay mo magkatulad din kayo ng interest rate na kikitain ng may malaking
amount na itinabi. “Ganun ba, bakit walang nakakaalam ng ganitong klaseng
investment.” “Sabi ng babae sa Mutual Fund, kasi nga po nasa 99% kasi ng mga
Pinoy ang pera nila ay nasa Bank. Sa ibang bansa halos 80% eh naglalagay sa
Mutual Funds, ang Pilipinas naman ay malapit na dun. Kung kaya’t si Rex ay
masayang naglagay ng investment niya. Makalipas ang mahabang panahon ulit,
Retire na din si Rex, naalala niya na may itinabi nga pala siyang Php 100,000.
Pumunta sya sa mutual fund company at narun pa din yung kausap niya 35years
ago. “Magkano na kaya ang investment ko sa ngayon. Sabin g kausap niya, Sir, tulad ng sinabi ko,
may maganda at hindi magandang nangyari sa ating pera. Pero dahil nga long term
ito, ang pera mo ay kumita ng nasa average na 12% per year. Ayon kasi sa record
ko sir, ang pera mo ngayon ay lumago na sa Php 6.4Million tanung ng babae,
“Ngayon Sir, ok ba ang kinita ng pera mo? Kaya Tuwang-tuwa si investor.
Ngayon
alam mo na kung bakit ang mga Bank ngayon ay may magaganda at matataas na
buildings.
Kasi
yung idinedeposit mongPhp 100,000 sa kanila ay iniinvest nila sa isang
Investment na kikita sila ng Php 6.4 million at ang ibibigay lang nila sa iyo
ay yung Php 400,000. Kaya magkano ba ang tunay na kinita nila, di ba six
million.
Kaya
sa sunod na magdeposit ka sa kanila, tatawagin ka ni Bank Manager sa office
niya para magcoffee at magdeposit ulit ng Php 100,000, ngayon alam mo na siguro
kung magkano ang halaga ng isang tasang kape sa Bank, halagang Php 6 million.
Kaya
nga kung nag iisip ka ng isang fund para sa iyong retirement, huwag mo sa Bank
ilagay. Mag-invest ka kung saan ang Bank ay nag-iinvest ng kanilang mga pera.
Ito
po ang sample table:
Year
|
4%
|
8%
|
12%
|
1
|
100,000
|
100,000
|
100,000
|
36
|
400,000
|
1,600,000
|
6,400,000
|
Pero hindi ibig sabihin nito
eh hindi ka na dapat maglagay ng pera sa Bank, kailangan pa din natin maglagay ng pera sa
Bank, lalo kung gamit natin sa Business or para sa ating Emergency Fund. Kung
sa business or emergency fund natin gamit, Bank ang kailangan mong katulong,
pero kung ang nais mo ay mas higit na malaking investment fund or retirement or
education fund, Sa Stocks or Mutual Fund ka dapat maginvest ng pera mo.
Muli isang paalala po, “Don’t
put your Retirement Fund in the Bank.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento