Miyerkules, Pebrero 5, 2014

BALANSEHIN ANG BUHAY

Balansehin ang Buhay
“Malaya akong gumawa ng kahit ano” (I Corinto 6:12). “Lagi akong Nagpapasalamat sa Diyos dahil sa  mga pagpapala niya”. (I Corinto 1:4).
Ano nga bang buhay meron tayo? Ikaw ba? Anong buhay meron ka. Ipinanganak ka bang mayaman o mahirap. Masarap syempre kung mayaman, dahil lahat ng bagay anumang magustuhan mo, kayang-kaya mong kunin at bilhin.
Karamihan sa atin ang alam lang na buhay na ginagawa sa araw-araw ay gumising, kumain, matulog, maligo, mag-ayos at magtrabaho. Lahat tayo ganito ang Gawain araw-araw di ba. Ngunit balanse ba ang buhay mo?
Parang kulang anu? Paano nga ba mababalanse ang ating buhay. Ganung ang buhay naman natin ay parang isang teleserye, akala mo ikaw ang bida, yun pala ikaw muna ang kawawa at kung kailan ka lalaban, napakahabang araw pa. Kasi nga ang buhay hindi nagiging balanse.
May mga panahon pa na sisisihin mo pati si Lord, iiyak ka sa kuwarto, “Lord, bakit ako pa, mabait naman ako, lagi ako nagsisimba.” Ang tanong nahanap mo ba si Lord. Sabi kasi, “an emptiness that can only filled by finding God.”
Kung nahanap mo si Lord, maniwala at manalig ka lang sa kanya. Kasi ito ang promise ni Lord sa atin, “You will seek me and find me, When you seek me with all your heart, I will be found by you.” Sinabi mismo yan ni Lord. Basahin mo sa Bible, (Jeremiah 29:13).
Nangako pa din si Lord sa atin nung Makita natin sya, “Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened.” Yun naman pala, nung Makita na natin si Lord, wala naman pala tayong hinihingi sa kanya, kaya tuloy hindi alam ni Lord, kung ano ang ating personal na gusto. Parang bata kasi tayo na humihingi kay Lord, di ba sa mga anak natin lalapit sa atin at tatanungin natin sila, “Anak ano bang gusto mo?”, syempre kung ano yung gusto nila yun ang ting ibibigay.
Ang tanong ulit gusto mo bang maging balanse ang buhay mo at mamuhay ng maayos? ‘Yung hindi ka nag-aalala at kuntento ka sa iyong pamumuhay at kalugod-lugod sa Diyos. Sabihin mo lang kay Lord, “Lord, come into my life and be my Lord and my savior”. Dahil si lord naman ay dumating at ipinadala dito sa lupa upang mabuhay tayo na puno ng pag-asa at maging balanse ang buhay.
Hindi naman mahalaga kung ano at sino ka? At kung ano ang mga nakaraan sa buhay mo. Ang mahalaga alam mo na kaya si Jesu Kristo ay ipinadala dito sa lupa at ipinako sa krus ay upang tayo ay iligtas sa ating mga kasalanan. Syempre, kung tayo ay punong-puno ng paniniwala sa Diyos. Naniniwala ka ba at nanalig sa kanya?
Kung nanalig ka at naniniwala. Magandang balita ito para sa iyo. Kailangan din natin magtiwala kay Lord, dahil ang pagtitiwala natin ng buhay sa kanya ay ang pagmamahal at pagsunod natin sa kanyang Gawain bilang isang kristiyano. Pero hindi ibig sabihin ng pagiging kristiyano eh magbabago tayo ng relihiyon at sa iba na tayo sasama na kung saan ay pupunta tayo sa kalye at magsisigaw na nakita at nahanap mo na ang Diyos, at magpapakabanal naman tayo at ipinakikita sa madlang people. Personal na commitment natin ito kung paano natin pagtitiwalaan, mamahalin at susundin si Lord.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento