By: Bro. Aye
Buncayo Ferrer
Household
Head CFC Gulang-Gulang Chapter
“You must seek first the Kingdom of God and His righteousness
and all of these things will be added to you.” seek
first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be
given you besides” (Matthew 6:33).
Sa tagalog, “Ang pangako ng Diyos sa atin ay kung uunahin
lamang natin Siya sa Ating buhay, Lahat ng bagay idadagdag Niya sa Atin.
Lahat ng bagay ay idadagdag sa Atin? Sabi ko noon, nang
mabasa ko ito. Ano ba ito? Lahat ng bagay daw ay idadagdag sa Atin? Paano ba yun?
Nung alalalahanin ko ang buhay naming mag-asawa at buhay ko
mismo bago ako magjoin sa Couples For Christ or bago ko lubusang makilala si
Lord. Noon, talagang magulo kami, lalo
na ako, may utang, problema ko pa din ang aming bahay na hindi nababayaran ng
ilang buwan at umabot ng taon na halos ay kukunin na ng Developer, Walang Savings
at Investments as in walang-wala talaga, lapsed pa ang insurance ko, pati education
fund ng anak ko, ang kotse hindi maipaayos. Dahil wala akong pera ay nangyari sa
akin na ang alkansya na inipon naming barya ay sinusundot ko para lang magkapera
ako. Ang problemang yun ay apektado lahat, pati ang pamilya namin pareho, at
kasama na rin ang mga kaibigan namin, ang anak namin na si Candice ay
nagkakasakit pa, problema din pati pagpapagamot at malimit kaming mag-away ng
asawa ko, at noong panahon ding iyon, talagang hindi na ako makilala ng aking
asawa, pamilya ko at ng mga kaibigan namin, iba na ang tingin sa akin. Naging
magulo ang buhay ko, nabago ang tingin nila sa akin, dahil sa nakikita nilang
hindi magandang ginagawa ko.
Walang magandang nangyayari sa akin noong panahon na yun,
kahit anong gawin ko sa aking negosyo at makipag usap sa tao, malayo ang swerte
o biyaya na aking gusto. Kaya ang tanging ginawa ko, dahil wala na akong ibang
maisip na gawin kundi humingi ako ng advise sa dalawang Ninong ko sa kasal sa
katauhan nina Ninong Chito at Ninong Tony. Isang gabing nag-iisa ako sa kwarto,
saka ko lang nakita ang sarili ko, unti-unti na pala akong lumulubog sa kumunoy
ng buhay, noon ko lang nakita ang aking sarili na lubog na ako, dahil wala ako
sa tamang isip, dahil pagpapakasaya lang sa aking sarili ang naiisip ko, hindi
ko naiisip na sa ginagawa ko ay napakadaming nadadamay. Napaiyak talaga ako at
wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal na lang ng malalim kay Lord. Wala
akong narinig na sagot, siguro maaring inakay na ako ni Lord at iniaahon na sa
kumunoy na aking pinaglalagyan ng mga oras na iyon. Noon din, naalala ko na
maaaring inaakay nga ako ni Lord, para umuwi sa aking asawa at anak. Dahil
noong panahong iyon na may matinding problema ako at ng asawa ko ay umalis ako
sa aming bahay at iniwan ang aking asawa at anak. Pero kusa na din akong
bumalik at sa pagbalik ko lahat ng bagay na alam kong makakasama sa akin ay
tuluyan kong iniwan at anuman ang kakaharapin ko sa pagbabago ay tatanggapin
ko, yun ang pangako ko sa sarili ko at ipinagdasal kay Lord. Habang pauwi ako
sa bahay at harapin ang aking asawa at anak ay walang tigil ang pagdadasal ko
ng Ama Namin, hindi ko na nabilang kung gaano kadami yun,dahil nais ko ay
magkaroon ako ng guide mula kay lord sa pagharap ko sa aking asawa at anak para
sa Tamang Daan ng aking buhay.
Paano ko ba nadamang
kasama ko si Lord?
Maayos kaming nag-usap ng asawa ko, maaring noon nga ay
pumapagitna na si Lord sa aming mag-asawa. Totoo nga ang nasa bibliya, Sabi sa
Mateo 18:19-20 “Sinasabi ko sa inyo: kung ang dalawa sa inyo o higit dito sa
lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob
ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saan man, may dalawa o higit
na nagkatipon-tipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.”
Salamat sa asawa at anak ko, salamat sa pamilya ko at mga
kaibigan ko, at inakay nilang muli ako sa panibagong buhay na ang laging sentro
at una sa buhay ko at ng pamilya ko ay si Lord. Pero alam nyo ba na kapag
nangyari pala yung bagay na nalulubog ka sa kumunoy ng buhay ay malalaman mo
kung sino ang totoo sa iyo. Pero, Hindi ko na inisip kung may mga nalaman ako,
Kung Sino ba ang mga totoo sa akin, sa kabila noong panahon na ako ay nasa
madilim na sitwasyon. Ang pinakamahalaga sa lahat ay tanggapin ko ang sarili
kong pagkakamali, at ang buhay ko ay ilaan sa pamilya ko at kay Lord para sa
tamang buhay na nais kong tahakin at maging instrument ni Lord sa aking
kapwa.
Nagsimula na kaming sumali sa Couples For Christ at nagsimulang umattend sa Christian Life
Program (CLP) ng Couples For Christ. Gumamit sya ng mga tao upang maging
instrumento niya para tuluyan akong akayin sa tuwid na daan ng buhay. Pero alam
nyo ba, kahit ako akala ko simula na iyon para tuluyang mabago ang buhay ko, Ganun
pa din, habang nag aaral kaming mag-asawa ng Espiritwal na pag-aaral bilang
isang ganap na Kristiyano ng Katoliko Romano (Roman Catholic). Sabi ko siguro
nung mga oras na iyon, ang kauna-unahang nagagalit o naiinis sa akin ay ang
masamang espiritu. Totoo nga, ang nasa bibiliya, Lucas 11:24-26 “Kapag lumabas
na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y gumagala sa tigang na lugar
at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa
sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Pagbabalik ay
matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at
magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa sa kanya.”
Kaya naman pala nung habang lumalapit kami at lubusang nakikilala
si Lord, nariyan pa din ang matinding problema. Dumating ang panahon na
talagang ayaw ko ng ituloy pati ng asawa kong si Christine ang Christian Life
Program ng Couples For Christ. Malapit pa din kasi ang problema, nag aaway pa
din kaming mag asawa, pakiramdam ko nga mas matindi pa. Sabi ko nga, akala ko
ba pag lumalapit kay Lord nawawala ang problema, yun ang sabi nila sa kanilang
sharing ah, sa Christian Life Program po yun. Pero mas malakas talaga ang Banal
na Espiritu, kusang inilalapit ang sarili ko sa maayos na buhay. Kapag
nagkakaproblema kaming mag asawa, ang ginagawa ko na lang ay dasal ng dasal,
kahit nagagalit ang asawa ko, sa gitna ng aming pag aaway at pag tumigil ang
asawa ko, hawak ko ang bible at nagbabasa ako, pakiramdam ko kinakausap ako ni
Lord, sabi niya dahil nabasa ko sa bible “Magpatuloy ka lang,
Huwag kang matakot at mag alinlangan”. Patunay lang iyon na sadyang ang
buhay natin ay walang mababago, kung lalapit tayo kay Lord, pero ang isang
maganda dahil nakikilala natin si Lord ng lubusan mas lalo tayong tumibay,
dahil sabi nga ni Lord sa Jeremias 29-11 “Sapagkat batid kong lubos ang mga
plano ko para sa inyo, mga planong hindi nyo ikakasama,kundi para sa inyong
ikakabuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong-puno ng
pag-asa.”
Iyon ang salitang pinaniwalaan ko. Patuloy lang kami sa bawat
araw ng aming buhay, patuloy na naniniwala at nanampalataya kay Lord, syempre
sadyang si Lord ay gumagamit ng mga tao, na instrumento niya para mas higit
siyang makilala. Naisip ko tuloy, siguro isa ako sa kanyang tupa na nawala at
ng matagpuan ay ipinagdiwang. Ganun ang nangyari sa akin, sa aking tahanan, sa
aking pinagtatrabahuhan ginamit ang aking Ninong Chito Maliwanag para akayin
akong muli sa tuwid na daan, at tinanggap nila akong muli na masayang masaya at
ako naman tinanggap ko ang aking pagkakasala at tuluyang tinalikdan ang bagay
na alam kong makakasama sa akin. Nagkakamali pa din naman ako, hindi naman ako
perpekto eh. Pero ngayon, ang alam ko ay may matindi akong sinasandalan at
pinaniniwalaan. Sabi ko nga, anumang laki ng problema o pagsubok ang
dumating sa aking buhay alam ko mas malaking-malaki si Lord sa aking buhay.
At alam nyo ba ang naging magandang plano ni Lord sa buhay
ko, bilang isa na ngayong masasabi kong ganap na Kristiyano ng Katoliko Romano at
active member at household head ng Couples For Christ. Una, natuto ako ng tamang
pagdadasal, napakasarap na laging nakikipag usap kay Lord, maginhawa sa pakiramdam.
Syempre dahil malimit ako magbasa ng bibliya na nalaman ko din na kailangan
basahin ang banal na aklat bukod sa nagdadasal kay Lord. Kasama pa yung sarap
ng pakiramdam na pag gising sa umaga ay kasama ko ang aking mahal na asawa at
anak at hahalik sa iyo at sasabihin nyo sa isa’t isa ay ang matamis na I LOVE
YOU. Hinding-hindi ko pagsasawaan na ibahagi ang nangyayaring ito sa buhay ko.
Sumunod ka sa akin at
gagawin kitang mamalakaya ng tao.
Natuto din ako magdasal ng maayos, malimit humingi ng patawad,
magpasalamat at syempre hindi ako ipokrito para humingi ako ng mga biyaya kay
Lord. Lalo akong mas natutong magdasal nung tawagin kaming mag-asawa ni Lord na
maging Facilitator sa Christian Life Program (CLP), ang nakakatuwa eh hindi pa
nga kami nakakaisang taon or hindi pa kami mismong hinog para maglead sa mga
bagong magiging member ng Couples For Christ. Naisip ko tuloy, kaya ko bang
gawin iyon. Nakapag lead na ako ng mga tao, dahil sa work ko naglead ako ng tao
at involved din ako sa mga civic organization, pero yung espiritwal na
pamumuhay kaya ko bang gawin, sabi ko parang mahirap yata. Pero syempre dahil
tinawag kami ni Lord, at alam ko may magandang plano sya sa akin at sa aming
mag asawa, kaya gumamit sya ng mga tao, syempre iyon ay sa katauhan naman ng
aking household head sina Bro. Vbhoy Tanola at Sister Rovie Tanola, sila rin
yung ilan sa mga nag invite sa amin sa Couples For Christ, dahil napakaraming
nag iinvite sa amin, nariyan ang aking Ninong Chito, Tito Rael Aguilar, tita
Vivian Coronado at syempre ang chapter head na sina Bro Bong Rairata at Sis
Noreen Rairata na ginamit ni Lord para personal kaming kausapin na maging
facilitator sa gagawing Christian Life Program ng Chapter namin. Alam nyo ba,
nakakatuwa pa ang nangyari, umattend kaming mag asawa ng facilitators training
ng CFC para nga sa CLP, akala namin eh madami kami, aba eh kami lang palang mag
asawa at yung mag asawa ni Bro Fhio Estuita at Sis Joan Estuita ang tinawag.
Sadyang si Lord eh nakakatuwa, kasi sinet-up kaming mag-asawa. Divine
Intervention siguro yung nangyari.
Pero nung gabing iyon pag uwi namin sa bahay, bago ako
matulog, Ito ang nabasa ko sa bibliya “Mateo 4:19 “Sumunod kayo sa akin at gagawin
ko kayong mamalakaya ng mga tao”. Nangilabot talaga ako, kasi alam nyo
ba, pagkatapos kasi ng Facilitators Training, sabi namin mag asawa pwede bang
Facilitator lang kami, pero pagkatapos ng CLP eh member lang ulit kami,
nakatawa lang sina Kuya Bong sa amin.
Sa pagsunod kay Lord, unti-unti ko naramdaman ang presenya ng
kanyang banal na espiritu, Dahil nung nagCLP na at nagsisimula na nga kaming
magfacilitate, mismong asawa ko na si Christine ang nagsabi na, mahirap naman
palang iwan na lang ang mga participants ng CLP na aming hawak, sa kanyang
bibig mismo lumabas na gusto na niyang maglead para sa espiritwal na buhay. Sa
pakikipag usap sa aking mga member, ang mga salita ni Lord ang ginagamit ko.
Dahil pagbuklat ko sa aking bible, ang sagot sa mga tanong ay nasa bibliya. Ang
bait ni Lord talaga kaya tama lang na unahin natin lagi si Lord sa ating buhay.
Sunod-sunod na Biyaya.
Simula noon, sunod –sunod na ang mga biyayang dumating sa
buhay namin ng pamilya ko. Mas masarap at lagi kong gustong i-share ay ang mga
biyaya, may mga pagsubok or trials na dumadating pero si Lord hindi ko halos
mabilang ang mga biyayang dumating sa buhay ko. At totoo nga, yung mga
nagpapabigat sa atin, unti-unti inaalis ni Lord, iyun ang mga bagay na magiging
dahilan para hindi ka na makagawa pa ng bagay na alam mong makakasama sa atin
at sa ating pamilya at trabaho.
Ang bahay namin ay naayos, nabayaran namin ang utang,
unti-unti nagkakasavings na ulit, naayos na ulit ang insurance ko at syempre
yung plan ng anak ko, syempre kailangan may savings at insurance, kailangan
natin maghanda,kaya nga maririnig mo kay Candice ngayon, 6years old pa lang
alam na ang stock market at insurance. Kahit nga pag nagkwento kami na napasok ng
magnanakaw ang bahay namin, masasabi pa din namin, na si Lord sa pamamagitan ng
Holy Spirit ay sadyang nakapatnubay, dahil biruin mo sinira at napasok ng
magnanakaw ang bahay pero ang nangyari nagkaroon ng extension ang bahay namin,
mas lumawak at gumanda pa. Syempre kung walang savings or hindi kami naghanda
baka hindi namin naipagawa yung likuran ng aming bahay. Sa bibliya kaya eh
nagbilin din sa atin, Lucas 12:35 “Maging Handa kayong lagi.”
Kami naman ng asawa at anak ko, laging masayang magkakasama
araw-araw. Maririnig mo pa sa mga kaibigan namin ngayon ang tawag sa amin ay
Holy Family. Ang sarap pakinggan. Praise the Lord! Si Christine sa kanilang
school kahit madaming gawa eh maayos pa din naman, si Candice maayos din sa pag
aaral, champion pa nung sumali ng singing contest at best friend ng lahat ng classmate
nya. Ang bait ni Lord talaga. Mabilis pating sumagot si Lord lalo na kung
kailangan natin agad siya, nangyari nga nawala yung cellphone ni Christine,
nagalit si Christine at ako ay nainis din, ang ginawa ko na lang pumunta sa
simbahan para magdasal, at para mawala agad ang galit, biruin mo answered
prayer agad, kasi kung iisipin mo wala na yung cellphone, itapon lang yung
simcard nun eh hindi ko na mahahanap yun, pero ang nangyari, paglabas ko sa
simbahan, nagring ang cellphone at yung number ng cellphone ni Christine ang
natawag at sinabi nung kausap ko na sila daw ang nakakuha ng cellphone. Praise
the Lord!
Kahit sa personal kong ginagawa ang pagtatrabaho at business ko,
ramdam ko nariyan si Lord, biruin nyo, tuloy tuloy ang pasok ng production,maliit
man o malaki blessings yun ni Lord, nagtataka pati ang mga client ko, kasi
salita ni Lord ang ibang naririnig sa aking presentation, kusang ibinibigay ni
Lord, hindi lang basta income, kasi masasabi kong siksik, liglig at umaapaw pa
ang ibinibigay ni Lord sa akin. Totoo ang nababasa natin sa bibliya, Lucas
6:38 “Siksik,Liglig at Umaapaw.”
Natuto na din akong magbigay kay Lord, hindi yung pag sumimba
lang tayo saka tayo nagbibigay. Dahil sa Couples For Christ, magagawa natin
yung magbalik ng mga biyaya para sa gawain ni Lord, kasi merong Voluntary
Monthly Contribution, aba eh pagbabalik yun para sa mga biyayang ibinigay ni
Lord sa atin sa loob ng isang buwan.
Totoo naman pag nagbigay tayo kay Lord, sadyang higit pa ang
ibinibalik niya sa atin. Tunay kong naranasan na kay Lord walang imposible sa
kanya. Basta gawin natin yung ating parte at patuloy lang na manalig at
maniwala ay si Lord ang bahala sa atin. Sa Lucas 6:38 pa din ito ang sabi, “Magbigay
kayo at kayo’y bibigyan. Hustong takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibibigay
sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginamit sa iba ay siya ring panukat na
gagamitin sa inyo.”
Ano ang nangyari nung
magsimula akong magbigay kay Lord?
Sabi ko nga gusto ko makapunta ako sa Hong Kong, Iyon ang
laging isinasabi sa akin ni Ninong Chito Maliwanag, lagi akong nagdadasal kay
Lord, sabi ko gusto ko makapunta sa Hong Kong, syempre dun sa Disneyland, gusto
ko din syempre kasama ko ang aking asawa at anak, kaya kailangan makaclose ako
ng malaking business. Alam nyo ba, hindi lang ako basta nakaclose ng malaking
business, ang nangyari eh biglang nagpromo ang company ko ang Philam Life, Tara
na Sa Hong Kong Agency Sales Kick-0ff sa Hong Kong, alam nyo ba FREE yun, ALL
EXPENSES PAID, napakabait ni Lord, may malaki na akong income, nakapunta pa ako
ng Hong Kong ng walang gastos. Kaya lang ayaw ng asawa ko, magskedyul daw kami
ng kaming tatlo lang, sulitin ko daw yung pinaghirapan ko. Ito pa, sabi ko sa
Disneyland ako pupunta pagdating sa Hong Kong, akalain mo, nameet ko pa pala
yung isang promo pa ng Philam Life, FREE na ang pagpunta sa Hong Kong, aba eh
FREE pa din ang pag punta ko sa Disneyland, nakasama ko pa sa Lunch Meeting an
gaming Philam Life President na si President Rex Mendoza sya lang naman ay isa
sa matalik na kaibigan ng sikat na Spiritual at Financial Preacher na si Bo
Sanchez, meron pa akong Free Jacket at MyPhone Cellphone, touchscreen, with
Camera & Video, may TV,WIFI, Radio, may memory card at may presentation pa
na magagamit ko pa sa client, ang galing ni Lord di ba. Praise the Lord!
Napakabait talaga ni Lord sa atin, tunay nga na wala sa kanyang imposible,
basta magserve lang tayo, maniwala at manalig sa kanya, patuloy na magdasal at
magserve, at magbalik or magbigay ng biyayang galing sa kanya. Totoo ang
isinasabi na huwag nating subukan si Lord sa kanyang kakayahan, dahil walang
imposible sa kanya kapag nagbigay tayo, ito yung sinasabi sa bibliya, Malakias
3:10 “Subukin ninyo ako sa bagay na ito kung hindi ko buksan ang mga bintana ng
langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala.”
Isa pang magandang nangyari, nagserve kami ng aking household
group sa Couples For Christ sa Kiwanis Homes for the Aged nung Christmas at nagbigay ng pamaskong
Handog sa mga bata at sa mga Lola, alam nyo ba, napatunayan ko na naman kung
magbalik si Lord, higit pa talaga sa ating ibinibigay, ganito yun, ang inilabas
kong halaga sa pagbibigay ay Php 1,500, para sa mga bata at matatanda, alam nyo
ba after a week lang, sumagot si Lord, nagbigay sya ng production sa akin, at
alam nyo kung magkano ang income ko, Php 15,000, biruin nyo, 10x ang ibinigay
nya sa akin.
Isa pa yung pagbibigay ko sa typhoon PABLO dahil may isang TV
Show ako na napanood na nangangalap ng donation sa typhoon victim, nagdonate
lang ako ng Php 500, ang ibinalik ni Lord sa akin, Php 200,000 Sales Production,
kaya iyon nakasama nga ako sa Hong Kong.
At yung pagbibigay namin ng Time,Talent at konting Treasure
sa Couples For Christ during Christian Life Program bilang kaming mag-asawa ay Assistant
team leader, nagbigay ako ng Php 2,500 worth of Song book, aba biruin nyo
mahigit Php 25,000 Commission ang ibinigay ni Lord. At tuloy tuloy ang biyaya, dahil
madami ang nagbibigay para mas gumanda yung Christian Life Program, naging
galante ang CLP, totoo nga habang nagbabalik tayo ng biyayang ibinigay ni Lord
sa atin, kusang may darating mula kay Lord. Totoo talaga, kailangan unahin
natin si Lord sa lahat ng mga gagawin natin. Sabi sa bibliya, 2
Corinto 9:8 “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo higit pa sa inyong
pangangailangan – upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.”. Pero
syempre may bilin si Lord sabi niya 2 Corinto 9:7 “Ang bawat isa ay dapat
magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang,
sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.” Biruin mo 10% lang naman ang
hinihingi ni Lord sa atin pero higit na biyayang pagpapala ang ibinabalik sa
atin. May nabasa ako, kung tayo ay
naniniwalang si Lord ang nag mamay ari ng lahat bagay at siya ay itinuturing
nating business partner kaya tayo pinagpapala, bilang partner magkano ba ang
dapat natin ibalik, naisip ko kapag business partner dapat 50/50 ang hatiaan.
Biruin mo napakabait ni Lord, kasi 10% lang ang hinihingi niya sa atin, tapos
bahala na tayo sa lahat. At yung 10% na pagbabalik natin kay Lord, ang
bumabalik sa atin ay hindi mabilang na biyayang higit pa sa ating mga gusto o
pangangailangan.
Kaya nga patuloy akong nagsasabi na Unahin natin si Lord. Walang
mawawala sa atin, mas lalo tayong nabibiyayaan, ang mga agam-agam sa ating
buhay ay natatanggal at tuluyang nawawala ang mga galit sa buhay, madami pa
tayong napapasaya. Kaya Unahin lang natin si Lord sa ating buhay at lahat ng
bagay ay idadagdag sa ating buhay. AMEN.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento